|
Orion Motorcycle Safety Measures |
|
Thursday, 09 November 2006 |
|
Municipality of Orion Bataan will be implementing a new ordinance to all motorcycles and scooters operations in Orion Bataan starting November 15, 2006.Here are the Municipal Ordinance No. 06-020-042: Pagbabawal sa pagmamaneho at pag-aangkas ng walang suot na helmet. Pagbabawal sa pagmamaneho ng walang lisensiya at registrasyon ng motorsiklo o scooter. Pagbabawal sa pang-aangkas sa likod ng bata na may edad na pito pababa. Pagtatakda ng hanggang dalawang katao lamang ang pinahihitulutang sumakay sa motorsiklo o scooter kabilang na ang driver dito. Pagsunod sa takdang bilis na ipinahihintulot. Pagbabawal sa pagsasagawa ng DRAG RACE sa nasasakupan ng Orion. Pagbabawal sa pagtanggal ng “silencer of muffler”, “side mirrors” chain guard ng kanyang motorsiklo o scooter. Pagpapanatiling nakasindi ng headlight tuwing tumatakbo anumang oras sa araw man o gabi. Hindi pagpapahintulot sa mga motorsiklo o scooter na makapag-lakbay mula 10:00PM-4:00AM maliban: kung ito ay ginagamit pagbiyahe papuntang trabaho; kung ginagamit sa pagkakataon ng “emergency” Ang mga sumusunod ay inaatasan sa pagpapatupad ng ordinansang ito, lahat ng opisyal ng barangay pati na ang mga barangay tanod/pulis, Municipal Traffic Enforcers ang miyembro ng Orion Police Department. Ang mga nahuli, nakumpiskang lisensya, o na impound na motorsiklo/scooter dahil sa paglabag ay i-isyuhan ng OVCT o Ordinance Violation Citation Ticket. Ang pagkuha ng nakumpiskang lisensiya o na-impound na motorsiklo o scooter ay maaring gawin sa pamamagitan ng pagpapakita ng katunayan ng pagbabayad ng multa o pagtupad ng ipinataw ng serbisyong pangkumunidad na naayon sa ordinansang ito. A good move for safety measures of Bataan riders. Hope that all Municipalities in Bataan will also pass that kind of ordinance. BTW, Balanga City as well have city ordinance to all motorcycle riders.More info here. |